Lilitaw din ang totoo sa 2004 poll fraud — CBCP

LILITAW din ang totoo.

Ito ang kumpiyansang pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ani Cruz, kung magiging seryoso ang Department of Justice (DOJ) at Commission on Elections (Comelec) sa isasagawang imbestigasyon hinggil dito ay tiyak na mabubunyag rin ang katotohanan hinggil sa alegasyon ng umano’y dayaan sa eleksiyon.

Sinabi ng arsobispo na naniniwala siya na totoo ang ibinunyag ng anim na pulis hinggil sa ginawang ballot switching noong 2005.

Sa ngayon aniya marami ng mga naglalabasang testigo pagkat wala na sa pinakamataas na kapangyarihan ang administrasyong Arroyo na sinasabing nakinabang umano sa 2004 election fraud.

Una nang lumantad sina Sr. Supt. Rafael Santiago,  PO2 Rudy Gajar, PO2 Alan Layugan,  PO2 Rodel Tabangin,  PO2 Triffon Laxamana at PO1 Norman Duco upang isiwalat kung paano isinagawa ang dayaan noong 2005.

Sa pahayag ng mga ito, kinuha umano nila ang mga orihinal na election return mula sa Batasang Pambansa at pinaltan ng mga pekeng ER upang matiyak na si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo pa rin ang panalo sakaling magkaroon ng recount.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply