Lim at Roxas sa tagumpay ng turismo

DAHIL sa iba’t ibang controversy na sumabog at humambalos sa sugatang mukha ng ating bayan –nawawala ang pokus sa mga bagay na dapat pag-ukulan ng seryosong pansin.

Isa rito ang industriya ng turismo, na malaking puhunan ng mga kalapit na bansa sa asya upang maayos na  gumalaw at kumilos ang ekonomiya.

Ang Pilipinas ay sagana sa magagandang lugar na maaaring puntahan ng mga turista.

Ang Boracay na kilala sa maputi at pinong buhangin na nakalatag sa dalampasigan ng karagatan; ang Panglao Islands sa lalawigan ng Bohol; underground river ng Palawan; Caramoan beach sa Bicol; Pagudpud sa Ilokos; Baguio City na summer capital ng bansa at marami pang iba na dapat

ipagmalaki, lamang ay kailangang magkaroon ng dagdag na infrastructure development.

Ito ay hindi magagawa ng gobyerno nang nag-iisa sa kakulangan ng pondo.

Kailangan ang suporta ng pribadong sektor. Pero, mukhang hindi marunong makinig si Secretary Bert Lim ng DOT – Department of Tourism.

Kulang sa dayalogo at hindi pa organized ang mga sangay sa ilalim ng DOT, ayon sa itinatadhana ng batas ukol sa turismo.

Si Secretary Lim ay nagtungo sa Amerika upang umano’y ibenta ang Pilipinas sa mga Pinoy.

Hikayatin na umuwi sa lupa ng sariling bayan at nang makita ang nagaganap na pagbabago.

Bakit hindi mga Amerikano at ibang dayuhan ang hikayatin na magtungo sa Pilipinas?

Ayaw umuwi ng mga Pinoy at nagtitiis na malayo sa pamilya upang mabuhay nang maayos dahil sa airport pa lamang lumalakas na ang pintig ng puso – kinakabahan na baka sila’y maholdap; gatasan sa airport ng mga dorobo; lokohin ng mga taxi driver; magkasakit sa marumi at

mabahong usok ng mga sasakyan; at isang buong barangay ang naghihintay ng mga pasalubong at iniisip na ang pera at dolar ay napupulot lamang sa Amerika.

Hindi po.

Ang puhunan nila ay pawis, dugo at sakbibi ng kalungkutan sa matagal na pagkakawalay sa mga mahal sa buhay.

Ang araw ay ginagawang gabi at ang gabi ay nagiging araw magkaroon lamang ng dagdag na kita at maipadala sa pamilya.

At ang mga balikbayan box na ipinadadala ay sinusungkit pa ng mga tiwaling tauhan ng Customs.

Kung ganito ang kalakaran sa ating bansa na mismong Pinoy ay takot umuwi, paano mo hihikayatin ang mga dayuhan na dumalaw sa Pilipinas?

Santa Barbarang ina ng awa – ang ating mga airport na unang tatapakan ng mga turista na sana’y maikintal sa isipan ng mga ito ang kagandahan ng ating bayan ay mahirap ipaliwanag ang nagdudumilat na katotohanan: masikip, marumi, sira at mabaho ang mga comfort room, nagkalat ang members ng tabak division, mabagal ang proseso ng mga papeles at halos himatayin ang mga turista bago makalabas ng airport.

Sinasabing naragdagan ang bilang ng mga turista na nagtungo sa Pilipinas.

Mahigit daw na tatlong milyon.

Ito ay tiyak na darami pa kung maisasaayos ang lahat upang higit na maakit ang mga turista.

Kailangang seryosong upuan nina dot Secretary Lim at Secretary Mar Roxas ng DOTC – Department of Transportation and Communications ang iba-yong kaunlaran ng industriya ng turismo.

Tapusin ni Secretary Roxas ang problema sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at ayusin ang mga domestic airport, lalo na ang sa Tagbilaran City, Bohol na sobrang masikip at

hindi magkasiya ang mga turista na nagtutungo sa maga-gandang pulo ng Panglao.

Itigil muna ni Secretary Lim ang pagtungo sa Amerika – makipag-usap at makinig sa pribadong sektor na handang tumulong sa tagumpay ng in-dustriya ng turismo sa ating bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply