Limitasyon sa dependents sa tax exemption ipinatatanggal

ISINULONG ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas na alisin ang limitasyon sa bilang ng dependents para sa tax exemption ng isang taxpayer.

Ayon kay Mandanas, chairman ng House Committee on Ways and Means, dapat matanggal ang kasalukuyang limitasyon na apat na dependents na maaaring ideklarang karagdagang tax exemption, para mabawasan ang poverty incidence ng pamilyang Pilipino.

“This would ultimately redound to the benefit of the Filipino family and the country,” sabi ni Mandanas.

Base sa pag-aaral at istatistika sa nakalipas na 10 taon, sinabi ni Mandanas na ang poverty incidence, poverty gap, severity of poverty, mean vulnerability at vulnerability incidence ay may direktang katumbas sa laki ng pamilya.

“As such, large families tend to become the most vulnerable group having the smallest per capita expenditures and per capita savings.

Hence, the bigger the family size, the higher the cost of living,” paliwanag ni Mandanas.

Dahil sa taas ng cost of living, maraming pamilyang Pilipino ang nahihirapan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Base sa 2009 Family Income and Expenditure Survey (FIES), ang pamilyang Pilipino ay  kumikita ng P206,000 at gumagastos ng P176,000 kada taon.

“Inversely, this means a measly annual family savings of P30,000 for the said year. Such is the predicament that present-day Filipino families face, and as their size increases, so are their woes,” ani Mandanas.

Sa ilalim ng panukala, ang “dependents” ay mga anak na “unmarried legitimate, legitimated, illegitimate or legally adopted child” na hindi hihigit sa 21 taong gulang, walang trabaho at nakaasa sa magulang at mga may mental o physical defect.

Maaari ring gawing dependents ang magulang na walang trabaho o hindi na kayang magtrabaho dahil sa katandaan o may mental o physical defect.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply