Lintang Bedol iniharap na sa media

HAWAK na ngayon ng Commission on Election (Comelec) ang kontrobersiyal na dating Maguindanao election supervisor na si Atty. Lintang Bedol.

Sa isang pulong balitaan dakong 10:00 ng umaga kanina, Hulyo 19, iniharap nina Comelec chairman Sixto Brillantes si Bedol sa media matapos na pormal na itong i-turn over ng mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa DILG unang nagpa-kostudiya si Bedol noon pang Biyernes, Hulyo 15, matapos na makakuha ng kopya ng warrant of arrest laban sa kaniya.

Inamin ni Brillantes na mayroon nang nakahandang affidavit si Bedol hinggil sa umano’y dayaan sa halalan na naganap noong 2007 senatorial polls sa Maguindanao bagama’t hindi pa aniya nila nababasa ang laman nito.

Pag-uusapan pa naman umano ng mga Comelec officials kung saan nila idedetine si Bedol at inaasahang ngayong araw ay makapagdedesisyon na sila hinggil dito.

Tumanggi naman si Bedol na magbigay pa ng anumang pahayag sa media hinggil sa kaniyang mga nalalaman sa dayaan.

Una nang ibinunyag ni Bedol na sa pamamagitan ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay kumilos umano si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapandaya sa halalan at matiyak ang panalo ng kaniyang mga kaalyadong senador.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang idinaraos ang pulong balitaan. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply