Bedol tinanggihang kupkupin ng AMRSP

HINDI maaaring kupkupin ng religious group na Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) si dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol kasunod nang paglutang nito at pagbubunyag sa umano’y dayaang naganap sa 2007 senatorial elections sa Maguindanao pabor sa mga kandidato ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Aminado naman si AMRSP chairperson Sister Mary John Mananzan na malaki ang maitutulong ni Bedol sa paglitaw ng katotohanan hinggil sa dayaan sa halalan, ngunit hindi aniya nila ito matutulungan sakaling lumapit sa kanila si Bedol upang hilingin na kupkupin siya, tulad ng ginawa nila kay Jun Lozada, na testigo naman sa maanomalyang NBN-ZTE deal.

Paliwanag ni Mananzan, maaaring mapulitika lang ang kanilang grupo kung kukupkupin nila ang dating election supervisor.

Iginiit ni Mananzan na mas makabubuting isailalim na lamang sa kustodiya ng Department of Justice (DOJ) si Bedol upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

Aniya pa, ang kinukupkop lamang nila ay ang mga taong may integridad at hindi nasasabit sa anumang pulitika.

“Sorry po, pero hindi pa lahat ng humihingi o lumalapit sa amin ay kaagad na kikukupkop namin.  Una sa lahat, ini-interview po muna namin sila. We see their integrity, ano ba iyong concern nila sa bayan kasi hindi naman po pwede kukunin o kukupkupin namin lahat.  Ayaw namin na mapulitika,” ani Mananzan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply