Listahan ng solon na may share sa STL hiniling

INIHAYAG ni Speaker Sonny Belmonte na susulatan ng kanyang opisina ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang hilingin ang listahan ng mga kongresistang nabibigyan ng bahagi ng kinikita ng small town lottery (STL) sa kani-kanilang distrito.

Nais malaman ni Belmonte kung sinu-sino ba ang pinagbibigyan ng PCSO ng share ng kita ng STL at kung gaano na katagal itong nangyayari.

Sinabi naman ni Majority Floorleader Neptali Gonzales na mapipilitang mag-imebstiga ang Kamara kung nakakaladkad na ang mga miyembro ng Kamara de Representantes bilang institusyon.

Sinasabing P7 milyon ang tinatanggap ng mga kongresista bilang share sa kinikita ng STL sa kani-kanilang distrito mula sa 2.2 porsiyento sa kita ng nasabing operasyon.

Isinalaysay ni Belmonte na noong siya ay meyor pa sa Lungsod Quezon ay kanyang tinutulan ang pag-operate ng STL kaya wala sa apat na distrito ng QC ang may STL.

Kinumpirma naman ni Cavite 1st district Rep. Emilio Abaya na may natanggap siyang P5,000 check mula PCSO subalit kanyang ibinigay sa simbahan at hindi nito pina-encash.

Wika naman ni Gonzales, kailangang i-refer sa karampatang komite ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil dito dahil ayaw na nila sanang sumawsaw pa sa imbestigasyon sa Senado.

“Ayaw na nga namin sana sumawsaw sa probe but unfair statements when you lump together na may congressmen na nakaka-receive ng (P)7 million ay kailangan naming tanungin ang PCSO hinggil dito.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply