Lito Camo pinayreyt ni Manny Pacqquiao

ALL-out support ang reigning King ng Novelty Songs na si Lito Camo sa nakaraang premier telecast ng “Manny Many Prizes” na isinagawa live sa AFP Aguinaldo last Saturday. Na-confirm namin ito pagkatapos makausap sa backstage si Lito na medyo exhausted din dahil ang kanyang LC ( for Lito Camo) & MP (for Manny Pacquiao) Band ang ginamit bilang live performer sa naturang launch ng charity game show.

Kung kayo ay nanood lamang sa inyong TV set sa bahay ay siguradong nakita ‘nyo ang dynamic at organic effect ng LC & MP band na ipinwesto sa bandang kaliwa ng entablado complete with all the musical works.  The idea was to give a total live musical entertainment all through much of Pacquiao’s show. And it succeeded dahil there never was a boring moment during the show. Hindi lang sila nagsilbing background stinger kundi they were there as live performers when the scene called for it, see?

Strangely though, sabi ni Lito Camo ay hindi pala siya ang musical director ng naturang launch. In fact, wala siya sa credit titles nito. He was there to stand by his best friend Manny Pacquiao lalo na sa napaka-critical launch nito which was kind of break or make it para sa huli.

Dahil sa tagumpay ng premier launch nito ay nakahinga rin nang malalim si Lito Camo and of course most happy siya sa kanyang best friend Manny ever. And this is where the 24-dollar question comes in. Wala bang conflict ito sa isa pa niyang best friend na si Willie Revillame kung siya ay isa nang uncontested musical director and composer as well ni Willie? Para kasing naglalagare si Lito sa dalawang charity game shows na pilit pinagkukumpara at pinag-aaway sa ngayon.

Sabi pa ni Lito, “Wala naman actually. Pinag-usapan namin ito ni Willie. Kung tutuusin wala naman talagang conflict dahil as you know music is one great leveler of human emotions. So bakit kailangang may conflict? But to be honest with you, yes nagpaalam ako kay Willie at wala namang naging problema dahil alam naman niya na ang bagong show na ito ni Manny ay may advocacy tulad ng ‘Wil Time Big’ Time at iisa lamang ang layunin, ang makakatulong sa mga naghihikahos.”

So there. Here’s some trivia about Lito Camo. He is known for songs such as Bakit Papa? Tawag Mo Ako?, Spaghetti Song, Bulaklak, Wowowee and Otso-Otso. He turned artists into instant sensations because of his songs, some of whom are Sexbomb Dancers, Bayani Agbayani, Viva Hotbabes, Willie Revillame, Masculados, April Boy, Angelika Jones, Ai-Ai de las Alas, Sandara Park, K & the Boxers, Manny Pacquiao and many more. Saan ka pa?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply