Lito de Guzman, Katrina Paula nagkabati na sa b-day party ni Cristy Fermin

SOBRANG nadismaya ang malalapit na kaibigan at kaanak ng kontrobersyal na talent manager na si Lito de Guzman sa umano’y pagbabati nilang dalawa ng sinasabing asawa or kabit ng carnapper na si Katrina Paula. Ayon kay De Guzman, tinawagan siya ni Cristy Fermin para anyayahan nito sa kanyang kaarawan na idinaos sa Zirkoh Tomas Morato noong Friday ng gabi, July 22, 2011. Sinabi pa ni Lito de Guzman na may bilin sa kanya ang nasambit na TV-host (Cristy Fermin) na huwag siya nitong bibiguin at ito marahil ang pinaka-espesyal na panauhin sa kanyang kaarawan.

Anyway, kahit na nag-aalinlangan ang kontrobersyal na talent manager ng Baywalk Bodies at Wonder Gays na pumunta sa party dahil sa kinukutuban itong pagbabatiin lamang sila ni Katrina Paula ng naturang host, pikit-matang nagpaunlak ito sa paanyaya ni Cristy.

Nang dumating na siya sa venue ng party sa Zirkoh, may nakapagbulong sa kanyang naroroon din sa party itong si Katrina.

Ang ginawa ng ating subject (Lito de Guzman ) ay hindi na muna lumapit sa celebrant para batiin ito.

Ang kaso, nu’ng kinakailangan ng lumapit nito para batiin at magpaalam na kay Cristy, bigla kunong tumayo sa tabi nina Fermin at Ai-Ai delas Alas itong si Katrina Paula nang makita si De Guzman. Kaya itong sina Cristy at Ai-Ai ay tumayo na rin para tawagin si Paula.

Ang nakakalurky, nag-inarte pa kunwari ang Karina na makikipagbati kay Lito, pero nang magsimulang magkislapan ang mga camera at umilaw na ang mga TV crews na nag-uunahang makunan ang pagbabating iyon ng dalawa, con todo pose naman ang hitad na sabi pa ni Fermin ay ang asawa ng carnapper na si Raymond Dominguez.

Hay, naku! Sana lang hindi na nakialam pa itong sina Cristy Fermin at Ai-Ai delas Alas dahil sa matatandaang itong si Katrina Paula ang numero unong suspek ni De Guzman sa pagpatay sa alaga niyang Baywalk Bodies na si Rejoice Rivera na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang naturang kaso.

***

Sexy star Lorraine Lopez ang pinaka-hot ngayon

KAHIT hindi na uso ang mga bold movies ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pagtuklas ng mga talent ni Papa Boy Pilapil para sa mga producer na nangangailangan ng mga talents para sa mga indie films. Sexy, bata, sariwa at makatas ang produkto ni Papa Boy na si Lorraine Lopez mula sa pelikulang “Mainit” na palabas na bukas (July 27, 2011), kasama ang mnga hubaderong sina Romano Vasquez at Paolo. Introducing sa nasambit na pelikula si Ralph Louie na may lovescene silang dalawa ni Romano Vasquez to the point na hindi na nila namalayan ang pagsigaw ng cut ng direktor. Anyway, sang-ayon sa direktor ng nasambit na pelikula na si Direk Felix ng Sun Flower films may mga eksena raw na nagtodo-hubad dito sina Paolo rivero, Romano, at itong si Lorraine Lopez na dapat abangan ng mga manunuod.

Ayon pa kay Papa Boy, mag-iikot daw sa mga sinehang paglalabasan ng MAINIT itong sina Lorraine Lopez para personal niyang mapasalamatan ang mga manonood. Mamimigay rin ng mga sexy photos niya itong si Lorraine bilang bonus niya sa mga nanood ng MAINIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply