Litrato ni GMA na may neck brace inilabas

NANANATILI ang “no visitor policy” ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig sa silid na naka-confine si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Tanging mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan ang pinapayagang dumalaw kay Arroyo.

Samantala, inilabas ni Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni Arroyo, ang litrato ng dating Presidente para patunayan ang maselang kondisyon nito.

Sa naturang litrato, naka-neck brace habang nakaupo sa kama si Arroyo sa loob ng St. Luke’s Medical Center.

Nakatakda namang magpulong ngayong araw ang mga doktor para suriin ang medical chart ni Arroyo para mapaghandaan ang operasyon sa pinched nerve nito.

Inaasahang magpapalabas ng medical bulletin ang St. Luke’s Medical Center mamayang tanghali, Hulyo 28, pagkatapos ng doctors’ conference. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply