Binatang nakapatay ng aso nakalaboso

SHOOT sa kulungan ang isang lalaking nanaksak ng aso ng kapitbahay dahil ayaw tumigil tumahol makaraang batuhin ng una ang bahay ng amo ng huli sa Malabon City Miyerkules ng gabi.

Nahaharap sa kasong physical injuries at paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 si Alex Hernandez, 18, ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Bukod sa nawalan ng aso, nagkabukol din sa ulo si Arnold Deloraya, 48, kapitbahay ng suspek.

Sa ulat, dakong ika-10 ng gabi ay pinagbabato ng lasing na suspek ang bahay ng bitkima. Dahil sa nabulabog, nagkahulan ang mga aso.

Sumilip sa bintana si Deloraya upang siyasatin ang nangyayari sa labas ng bahay, ngunit sinamang-palad itong matamaan ng bato sa ulo.

Hindi tumigil sa pagkahol ang aso, na lalong ikinaasar ng suspek kaya’t bumunot ito ng patalim at tinarakan sa ulo ang aso.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwang kumikisay pa ang aso hanggang mamatay.

Humingi naman ng tulong si Deloraya sa mga barangay tanod, na agad dumampot sa suspek na agad dinala sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply