Lola patay matapos na bumula ang bibig

MALAMIG na bangkay na at bumubula ang bibig nang mapansin ang katawan ng isang lola ng kanyang kasama habang natutulog sa harapan ng Manila Hotel sa Ermita, Maynila Lunes ng madaling araw.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad na 65-68, 4’3 hanggang 4’5 ang taas, nakasuot ng maong pants, sleeveless shirt at regular street vendor sa Luneta Park.

Sa report ni PO3 Giovanni Valera, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 2:00 ng madaling araw ng madiskubre ang pagkamatay ng matandang babae sa katigbak St., tapat ng nasabing hotel.

Ayon kay Alicia Adigue, 60, habang sila ay natutulog ay narinig niyang umuungol ang biktima ngunit hindi nito pinansin at nagpatuloy sa kanyang pagtulog.

Ilang minuto lamang ang nakalipas nang muli niyang tignan ang biktima nang laking gulat niya nang makitang hindi na ito humihinga at bumubula pa ang bibig.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Adigue sa ilang by-standers sa lugar upang mai-report ang insidente sa pulisya.

Hinala ng pulisya na maari umanong inatake ang biktima dahil bumula ang bibig nito at wala ring nakitang sugat sa katawan nito.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa St.Yvann Funeral para sa safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply