Lola wakwak ang ulo sa akyat-bahay

BIYAK ang ulo ng 60-anyos na lola matapos pasukin ng isang pangkat ng mga akyat-bahay ang kanyang bahay sa Barangay Handuman, Bacolod, Negros Occidental kaninang madaling araw.

Sa isinumiteng ulat ni P/Sr Insp. Robert Dejucos, hepe ng Bacolod Police station-10, kinilala ang biktima na si Elsa Sabillo, ng purok Paghidaet, nasabing barangay.

Sa pahayag ni Dejucos, dumaan ang tatlong suspek sa bintana ng bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga  jalousie bandang 3:00 kaninang madaling-araw at pilit kinuha ang pera nito.

Nakita rin sa imbestigasyon na posibleng nanlaban ang biktima sa mga nanloob at tumanggi itong ibigay ang kaniyang pera hanggang sa pinukpok ng bato ang ulo nito.

Ipinahayag ng 12-anyos na bata na kasama ng biktima sa bahay na napakinggan pa nito ang mga salita ng mga nanloob kaya agad itong sumigaw at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at doon na tumakas ang mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply