Lolo basag ang mukha sa 4 finger ng tanod

BASAG ang mukha ng isang lolo matapos sapakin ng barangay tanod na may suot na 4 finger knuckle habang ang una ay nakatayo sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City Martes ng hapon, Hulyo 19.

Ginagamot sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Manuel Teodoro, 61 ng Bagong Barrio, Brgy. 156, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang barangay tanod na si Jeffrey Macaraeg, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong 1:30 ng hapon, nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang lapitan at sapakin ng suspek.

Nawalan ng malay ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC habang tumakas naman ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ni Macaraeg sa pananapak sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply