Lolo dinaliri ang sariling apo, kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang 67-anyos na lolo makaraang ireklamo ng kanyang siyam-na taong gulang na apong babae nang tatlong beses nitong daliriin ang biktima  kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ang suspek na nakapiit sa detencion cell ng Navotas City police at nahaharap sa kasong Statutory Rape sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s office ay nakilalang si Alfredo dela Cruz Sr., y Solis, may-asawa, residente ng No. 462 B-Cruz St., Barangay Tangos, Navotas City.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Eva Rala, ng Womens and Children Concerned Desk (WCCD) Navotas police, dakong 4:00 ng madaling araw nang maganap ang pangahahlay ng suspek sa apo sa bahay mismo ng maglolo sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Juvy (di-tunay na pangalan), 9, Grade III pupil, katabi niyang natutulog ang kanyang lolo (suspek) at kapag himbing na siyang natutulog ay ipinapasok sa kanyang ng suspek ang mga daliri nito.

“Tatlong beses na po niyang ginagawa sa akin, nitong mga nagdaan buwan at nitong huli ay kahapon ng madaling-araw, katabi ko po ang lolo ko sa pagtulog, pagkatapos po ipinapasok niya ang kanyang daliri sa ‘keke’ ko,” kuwento pa ni Juvy

At nitong huli ay naglakas-loob na nagsumbong si Juvy sa kanyang tatay at hindi nagdalawang-isip na isuplong sa mga awtoridad na naging dahilan ng agarang pagkakadakip sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply