Lolo patay sa mga saksak sa Caloocan

PATAY ang isang lolo matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay sa Caloocan City kanina.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez hospital sanhi ng saksak sa dibdib at kili-kili si Pablo Roberto, 78 ng Phase 2, Bagong Silang.

Sa ulat, dakong 9:30 ng gabi, nakatayo ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang nakahingi pa ng tulong sa kanyang pamangkin ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa nasabing ospital.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at malaman ang motibo ng pananaksak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply