Lovi Poe may kerengkeng factor kina Jake Cuenca at Richard Gutierrez

STAR of the hour ngayon ni Mother Lily si Lovi Poe. Obvious na set up lang kay Lovi yung kunwari ay victory party ng “Temptation Island.” Kumbaga, isang putok sa dalaw- ang ibon yun dahil sa true, presscon yun ni Lovi para sa advance promo ng “My Neighbor’s Wife,” kaya nga di naman bawal ang mga tanong tungkol sa kanila ni Jake Cuenca na kasama niyang bida sa naturang movie.

And speaking of Jake Cuenca, kulang na lang talaga, yes ang sagot ni Lovi Poe kung true na nanliligaw sa kanya ito. Yung statement na siya-lang-po-ang-tanungin-ninyo is more than enough na talagang ginigirian siya ng kanyang bagong leading man.

“Matagal na po kaming magkasama sa Bench ad. But we’re closer now. I don’t want to comment kung nanliligaw siya sa akin, siya na lang po ang tanungin ninyo. But of course, he’s very much welcome into my life. Basta, sa ngayon, ayoko po ng serysosong relasyon. Friends lang po muna, saka na yang pagsi-serious tungkol diyan,” sabi pa ni Lovi Poe.

Sinagot din niya yung closeness nila ni Richard Gutierrez. Di naman daw sila secretly romancing. Ang alam ni Lovi, talagang friends lang sila ng anak ni Annable Rama.

“Crush ko po siya talaga at pangarap kong maging kanyang leading lady na nangyari naman agad sa ‘Captain Barbell,’” say ni Lovi.

“Pero hanggang doon na lang po muna, at umiiwas muna po ako sa rela-relasyon. Kasi po, kailangan kong samantalahin muna ang nangyayari sa career ko ngayon.”

At dahil siya lang ang tanging bida sa Temptation Island ang dumalo sa victory party ni Mother Lily, pinagpistahan siya ng press sa away nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

“I feel sad about it as we’re all hoping matigil na, but I’d rather not react at all kasi the more, it won’t stop. No one’s gaining anything naman from this, from both sides. They’re my friends, pareho ko silang mahal. Sana, quiet na lang, pati fans nila.”

She’s elated with the good reviews for her role as the bitchy Serafina in Temptation Island. “Salamat talaga at nagustuhan nila ang acting ko and I’m now more inspired to work and give my best. Suwerte lang ako si Serafina ang role na napunta sa ’kin kasi colorful siya talaga. Pati boses at pagsasalita ko, binago ko to fit her.”

And this is the reason kung bakit binigyan siya ng title na “reyna ng mga bading” na ikinapit sa kanya ng mga reporter dahil siya ang puring-puri sa movie nilang Temptation Island.

***

Jericho-Heart romance part 2 parating na!

UMUULIT yung noon ay makulit na sabi-sabing magkakabalikan sina Jericho Rosales at Heart Evangelista. Sa ngayon kasi, may mga nagbubuking that the two are openly, although separately saying good things about each other.

Lumalabas na noon pa man, the two are again open to a new relationship matapos yung masalimuot nilang separasyon.

Heto yung revelation ng isang senior writer tungkol dito:

Alam n’yo bang kapani-paniwala ang balitang may secret communications ngayon sina Heart at dati niyang dyowa na si Jericho?

There was a time kasi, in their break-up na gustong makausap ni Heart si Echo, pero ayaw daw ni Annabelle Rama noon at ng kanyang mommy.

I should know dahil si Heart ang mismong nagsabi sa inyong lingkod. I whispered it to Echo during the presscon of “I’ll Be There.”

Kaya lang, taken na raw siya, ani Echo. That time, mainit ang relasyon niya kay Chesca Litton. Tipong one-man-woman kasi si Echo at ayaw niyang masira sa family ng GF, lalo naman sa kanyang GF mismo.

Ngayong libreng-libre si Echo, kung nag-uusap man sila ni Heart, wala na siyang masasaktang GF. ’Yun nga lang, si Heart naman ang may sabit. May blessing kaya ni Daniel Matsunaga sakaling totoo ang balitang ito? Baka naman nag-uusap lang sina Heart at Echo para magkaroon ng closure ang kanilang relasyon at maging friends sila uli. May masama ba doon? Wala naman siguro.

True, dahil great love naman nina Heart at Echo ang bawat isa. This the reason kung bakit masakit sa kanila yung paghihiwalay nilang dalawa.

May isa ngang kapatid si Jericho who’s now in Canada ang noon ay nagkuwento naman sa inyong lingkod na hindi seryoso yung kanilang break up noon. Na madali nga nilang mapa-patch up dahil ayon sa mismong brother ni Jericho, talagang kulang na lang ay ikasal sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply