Lovi Poe napaluha nang ma-disapprove ang billboard na dapat ilalagay sa Edsa ng Belo Group

NAPAIYAK na lang sa sama ng loob si Lovi Poe sa pagka-disapproved ng kanyang bagong billboard na sana’y ilalagay sa Edsa para sa Belo Group. Ang talagang pinanghihinayangan ni Lovi, ayon sa aming source, ay ang pictorial na naka-one piece swim wear na kuha pa ng award-winning photographer na si Jun de Leon.

Malaki kasi ang respeto ni Lovi sa photog kaya happy nga siya sa pictorial na kanyang ginawa dahil nagkasundo silang dalawa nang husto sa mga ipinagawang anggulo sa kanya.

Kung iisipin nga raw, ang pictorial ay napaka-artistic ang dating at very wholesome ang pagkaka-execute ng photographer.

Di raw akalain ni Lovi at ng mga taga-Belo na madi-disapproved ang ganitong klaseng pictorial na bongga naman ang kunsepto.

Kung iisipin pa nga raw, ang ibinibenta rito ni Lovi ay ang ginagawa ng Belo para mapaganda ang isang babae, tulad nang ginawa sa kanya na super sexy na sa ngayon dahil sa Belo Medical Group.

oOo

MARAMI ang nakapapansin sa pag-aalagang ginagawa ng ABS CBN sa sexy at beauty na si Jessy Mendiola. Sunud-sunod talaga ang mga projects na kanyang ginagawa sa Kapamilya network, bukod pa sa malalaking actor ang ipina-partner sa kanya kaya madaling nari-recognize ang kanyang pangalan at napapansin ang kanyang kakayahan sa acting.

Di biro na makapartner agad ang top actors sa ngayon ng network na sina Coco Martin at Gerald Anderson. Magkapartner kasi sina Jessy at Gerald sa isang primetime show ng ABS, samantalang si Piolo Pascual naman ang partner niya sa commercial ng Timex.

Pabolosa, di ba naman?

oOo

Glaiza de Castro, may panlaban sa best actress sa Cinemalaya

HALOS madala kami sa mada-dramang eksena ni Glaiza de Castro sa indie film na “I-Libing,” na kasalukuyang ipinalalabas sa Cinemalaya sa CCP at Greenbelt cinema.

Halos maiyak kami sa ending kung saan todo-bigay ang pagluha ng aktres sa burol ng kanyang ama na ginampanan ni Rex Cortez.

Bale second family lang si Glaiza. Anak siya sa labas ng kanyang babaerong ama sa istorya ng I-Libing. Ang masakit sa kanya, ayaw man lang papuntahin ang kanyang ina sa lamay ng ama. Galit kasi ang first family sa kanila.

Pero sa burol ay ibinuhos nang husto ni Glaiza ang sintimiyento sa ama at first family nito. Nagpalakpakan talaga halos lahat ng audience na nakapanood sa kanyang maramdaming eksena.

Kung puede lang ay mag-standing ovation ang audience kay Glaiza dahil sa nakadadala niyang pagganap.

oOo

IPINAKITA sa “24 Oras” ang unang pagkikita nina Sam Pinto at Alden Richards pagkatapos na magpahayag ang batang aktor sa Showbiz Central na No.1 crush niya ang FHM No. 1 model na si Sam . Talagang di makatingin si Alden sa alaga ni Claire dela Fuente. Speechless talaga ang binata.

Si Sam, on her part naman, ay natawa lang. Okay lang kanya ang paghingi ng date ni Alden.

May age gap kasi silang dalawa. Si Alden ay 18 at balita namin, si Sam ay 21.

Abangan na lang natin kung matutuloy ang kanilang date. Willing naman daw si Sam dahil isang friendly date lang ito. Natawa nga ang dalaga sa pagiging mahiyain ni Alden.

Magkasama pala sa movie na “Tween Academy: Class of 2012” sina Sam at Alden.

0O0

SA kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng celebrity mentors na maghahanap ng kanilang magiging protégé sa buong bansa kabilang ang Naga, Cebu, Iloilo ,Batangas, Cabanatuan, Pampanga, Davao, Dagupan,
Cagayan de Oro at Manila para sa bagong ilulunsad na programa ng GMA 7, ang PROTÉGÉ: The Battle for the Big Break.

Ang programa ay hosted by Ogie Alcasid at Dingdong Dantes.

Ang 10 legendary icons na magiging mentors ay sina Janno Gibbs, Jaya, Jay- R, Rachelle Ann Go, Aiza Seguerra, Joey Generoso of SIDE A, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Rey Valera at Gloc 9.

Ang nationwide auditions ay magaganap sa mga sumusunod na lugar mula 10 a.m. hanggang 6 p.m. sa: SM Iloilo (July 22); SM Batangas (July 24); NE Pacific Mall Cabanatuan (July 29); SM Pampanga (July 31); SM Davao (August 5); CSI Mall Dagupan (August 7); SM Cagayan de Oro (August 10); at SM Mall of Asia Music Hall (August 13).

Ang mga aspirants ay kinakailangang magdala ng certified true copy at photocopy ng kanilang birth certificate at dalawang photos (1 full body and 1 close-up). Ang mga aplikanteng nasa gulang 18 pababa ay kailangang humingi ng permiso sa kanilang mga magulang, at magdala ng original at photocopy ng valid ID’s nito para makasali sa auditions.

Kailangang maghanda ng dalawang kanta para sa audition na may minus-1 o kaya mag-perform na may musical instruments. Hinihikayat ang mga sasali na dumating suot ang kanilang most impressive outfits (dress to impress).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply