LPA ganap nang naging bagyo

TULUYANG nang naging bagyo ang isang low pressure area sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) natukoy ang mata ng bagyo sa layong 1,435 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Guam, bagama’t malayo pa ito upang makaapekto sa bansa.

Maliban pa ito sa namataang LPA ng Pagasa sa may layong 1,180 kilometro sa silangan ng Luzon kahapon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 74 kilometro bawat oras.

Umuusad ito ng mabagal sa direksyon ng pakanluran sa Philippine area of responsibility (PAR).

Inaasahan na mag-iipon pa ng lakas ang bagyo bago pumasok sa PAR.

Sakaling pumasok na sa karagatang sakop ng Pilipinas ang bagyo ay tatagawin sa pangalang Hanna.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply