LPA namataan sa Silangan ng N. Luzon

PINAKAHULING namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 820 kilometro Silangan ng Northern Luzon samantalang nakaaapekto pa rin sa Northern at Central Luzon ang Southwest Monsoon.

Patuloy namang mararanasan ng bahagyang makulimlim na panahon ang Metro Manila at ilan pang lugar ng bansa tulad ng Tuguegarao City, Laoag City, Puerto Princesa City, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City at Metro Davao.

Pinakamalamig pa rin ang panahon sa Baguio City sa 15 degrees Celsius at maalinsangan naman sa Zamboanga city sa 33 degrees Celsius.

Ang araw ay sumikat ngayong arawa, Hulyo 13, dakong 5:34 ng umaga at inaasahan ang takipsilim dakong 6:30 ng gabi. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply