LPA posibleng mabuo sa loob ng 24 oras

POSIBLENG mabuo sa loob ng anim hanggang 24-oras ang panibagong bagyo sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Gayunman, ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), napakalayo pa ang naturang sama ng panahon para makaapekto sa bansa.

Huling natukoy ang low pressure area sa layong 3,815 na kilometro sa silangan ng Northern Luzon.

Ayon din sa PAGASA, isa pang low pressure area ang nabuo sa silangan ng Luzon, partikular sa layong 1,180 kilometro.

Patuloy naman na mararanasan ang mga pag-ulan sa Luzon bunsod pa rin ng hanging habagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply