LPA posibleng maging bagyo

NAMATAAN ang isa pang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao na nagbabanta ngayon sa Eastern Visayas at Mindanao na magdulot ng panibagong flashfloods at landslides dahil sa dalang ulan nito.

Ayon kay Ben Oris, forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astonomical Services Administration (Pagasa), ang naturang LPA ay malamang na maging bagyo sa Huwebes o Biyernes.

Kapag ganito ang nangyari, ito ay tatawaging  “Goring.”

Base sa Pagasa, dakong alas-onse ng umaga ng Lunes ay namataan ang LPA sa layong 690 kilometro silangan ng Surigao City.

Ito ay naaapektuhan ng Inter-Tropical Convergence Zone kaya’t maulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Makararanas rin ng mga pag-ulan at maulap na kalangitan ang Metro Manila dahil sa sama ng panahon at ITCZ.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply