LPA posibleng maging bagyo

NAMATAAN ang isa na naman low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Mindanao na banta ngayon sa Eastern Visayas at Mindanao na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides sa nabanggit na mga lugar dahil sa mga dalang pag-uulan nito.

Ayon kay Ben Oris, forecaster ng Pagasa, ang naturang LPA ay malamang na maging bagyo sa araw ng Huwebes o Biyernes na  tatawaging  Goring.

Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa ), dakong 11:00 ng umaga kanina ay namataan ang  LPA  sa layong 690 kilometro silangan ng Surigao City at ito ay naaapektuhan ng InterTropical Convergence Zone kaya’t maulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Makararanas rin ng mga pag-ulan at maulap na kalangitan ang Metro Manila dahil sa sama ng panahon at ITCZ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply