Lumang rekords sa SC ipinatatapon ni Corona

INATASAN ni Chief Justice Renato Corona si Court Administrator Jose Midas Marquez na alisin o itapon na ang mga hindi mahahalagang court records, pleadings at exhibits ng mga natapos ng kaso at halos kalahating siglo ng nakakalat at nakahambalang lamang sa hallways at corridors ng court rooms at hall of justice.

Ayon sa Punong Mahistrado, nagsisilbi lamang iyong fire hazard at eyesore at mapanganib hindi lamang sa court personnels kundi maging sa publiko.

Kasabay nito, ipinag utos din ni Corona ang pagtatag ng ad hoc committee na bubuo ng guidelines hinggil sa pagtatapon ng mga hindi na mahahalagang court records, upang makatiyak daw na ang disposal ay naayon sa umiiral na rules of court.

Ipinayo rin ni  Corona sa mga korte sa Manila, Quezon, Makati at Angeles, na i-pilot test ang guidelines bago isagawa sa national roll out.

Ang kautusan ay ginawa makaraang makita ni CJ Corona sa  kanyang paglibot sa korte sa bansa  ang ‘voluminous case records na nakatambak lamang sa courthouses.

Ayon kay Marquez, may pleadings at court records na maaari nang agad ipatapon  sa pamamagitan ng recycling, samantalang ang iba ay kailangan  pang i-scan at itago sa digital files sa bawat office of the clerks of court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply