Lunch breaks binaklas sa PH consular windows sa Tokyo

WALA nang luch break sa Consular processing windows sa Philippine Embassy sa Japan.

Ito ang ipinahayag sa website ng Philippine Embassy sa Japan kung saan, lahat umano ng transactions na tinatanggap lamang mula 9 a.m. hanggang tanghali ay maaari nang tanggapin hanggang 1:00 p.m.

“Regular afternoon schedules of document acceptance and releasing remain unchanged,” ayon pa sa embahada.

Sinabi rin ng embahada na habang ang ibang staff ay nagla-luch break, may mananatili namang staff para magproseso ng mga transaksyon.

“Please note that while the windows remain open, each section will be manned by a minimal staff complement.”

Ang nasabing pagbabago ng schedule ay parte ng programa ng Embahada ng Pilipinas na “on-going and continuous efforts to better serve the public.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply