Luxury car inagaw ng carjackers sa QC

SA KABILA ng pinaigting na kampanya ng Quezon City Police laban sa carjacking at carnapping incidents, muling nalusutan ng pang-aagaw ng sasakyan ang lungsod kaninang hapon.

Nagharap ng reklamo sa himpilan ng QCPD Station 9 ang complainant na si Ismael delos Santos, 26, driver ng  puting Mitsubishi Montero Sports (NCO-336 ).

Ayon kay Santos, nangyari ang insidente dakong 2:45 ng hapon habang nakaparada ang minamaneho niyang Montero sa kahabaan ng Esteban St., Brgy. Loyola heights, dahil hinihintay niya umano noon ang anak ng kanyang amo na nag-aaral sa isang paaralan malapit sa lugar.

Ang tatlong kalalakihan na armado ng maiksing baril ang umanoy lumapit sa kanya bago siya tinutukan ng baril at saka siya itinali na parang baboy at isinakay sa likurang bahagi ng sasakyan bago kinumander ng isa sa mga suspek ang inagaw na sasakyan patungong Xavier Ville Subdivision.

Anang biktima, ibinaba umano siya ng mga suspek sa kahabaan ng Fema Road, malapit sa Congressional Avenue kung kaya dito na niya ipinagbigay alam ang nasabing insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Sa kasaluykuyan ay inalarma na ni QCPD Director General George Regis  ang District Anti-Carnapping Unit ng QCPD na nagsasagawa na ng pagtugis sa mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply