Lyceum mamimirata sa NCAA ASID test

HANDA nang makipagbanggaan ng katawan at makigiyera ang Lyceum Of The Philippines University Pirates sa pinanakamatandang liga sa bansa ang 87th season ng National Collegiate Athletic Association, (NCAA) seniors division.

Makakaharap ng Pirates ang College of Saint Benilde, (CSB) Blazers ng 11:45 bukas, Lunes umaga na gaganapin sa Filoil Flying V The Arena sa San Juan para sa kanilang unang game sa season na ito.

Ayon kay Pirates coach Bonnie Tan na kahit guest team lang sila ay sisiguruhin nito na bibigyan nila ng magandang laban ang kanilang makakatunggali.

“We are definitely the underdogs this coming season but we’ll come out fighting every time we step on the hard court. saad ni Tan sa website.

Sasandalan ng Intramuros base LPU sina team captain Jan Kevin Lacap at forward Onofre Napiza Jr. na inaasahang mamimirata ng puntos para
kunin ang unang panalo.

Sina Lacap at Napiza ay graduating ngayon taon kaya naman gusto rin ng Pirates na mabigyan sila ng magandang send-off.

Dalawang Linggo bago mag-umpisa ang nasabing liga ay doon pa lamang nasiguro ang paglahaok ng LPU kaya naman hindi nag-aksaya ng panahon si Tan na ikundisyon ang kanyang mga bataan para sumabak sa nasabing prestihiyosong ng mga batang basketbolista.

Samantala, nakatakda rin mamirata ng panalo ang junior Pirates laban sa CSB Greenies sa first game, (10:00 am).

Ang ibang matches ay ang Emilio Aguinaldo College Generals laban sa Arellano University Chiefs, (4 P.M) at sa juniors ay ang EAC Brigadiers kontra AU baby Chiefs, (2 P.M).

Sa opening day ng 87th season ng NCAA naipagpatuloy ng defending champions ang kanilang winning streak mula pa sa nakaraang season matapos tambakan ang host team University of Perpetual help System Dalta, (UPHSD) Altas, 82-52 habang tinalo naman ng San Sebastian College Recoletos, (SSCR) Stafs at Jose Rizal University, (JRU) Heavy Bombers, 73-67.

Sa third game ginulat ng Collegio de San Juan de Letran Knights ang San Beda College Red Lions matapos ang 76-65 panalo ng una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply