Lyceum Pirates target ang bandera ng NCAA games

PABORITO ngayong hapon, Miyerkules, ang Lyceum University Pirates sa salpukan nila ng NCAA 87th season host na University of Perpetual Help System Dalta sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinasadsad ng Pirates sa una nilang laro ang College of St. Benilde sa iskor na 75-63 noong Lunes habang bumalandra ang UPHSD sa inaugural game nila laban sa paboritong San Beda Red Lions sa iskor na 62-92.

Ang second seniors game ay sa pagitan ng Arellano University Chiefs at ng Jose Rizal Heavy Bombers na kapwa natalo sa inisyal nilang laro laban sa Emilio Aguinaldo Generals, 77-84 at 63-73 kontra sa San Sebastian Stags, ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply