Mababa at mataas na temperatura naitala sa Baguio at Laoag

NAITALA ang pinakamababang temperatura sa Baguio City o City of Pines habang naitala rin naman ang pinakamainit na panahon sa Laoag City, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophyscal and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayon, Lunes.

Sa Baguio City, nararamdaman ang pinakamalamig na panahon na bumagsak sa 15 degrees Celsius samantalang pinakamaalinsangan naman ang panahon sa Laoag City na umabot sa 36 degrees Celsius.

Samantala, ang dalawang low pressure area o kambal na LPA at InterTropical Convergence Zone (ITCZ) na namataan na umiiral at nakaaapekto sa Visayas at  Mindanao ay posibleng malusaw na.

Sinabi ni Undersecretary Graciano Yumul ng Pagasa, nalusaw bigla ang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea habang nababasag na rin ang isa pang low pressure area na nasa silangang bahagi ng Mindanao.

Iniulat din naman ng Pagasa na walang papasok na bagyo sa Philippine area of responsibility hanggang sa Linggo pero inaasahang papasok ang mga sama ng panahon sa mga susunod na araw.

Ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa ay makakaranas pa rin ng maaliwalas na panahon maliban lamang sa ilang pag-ambon o pag-ulan sa hapon at gabi.

Gayunman, makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang Pilipinas lalo na sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa umiiral na ITCZ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply