Mabagal na proseso sa PhilHealth inalmahan

UMAALMA ang isang concerned citizen ng lalawigan ng Antique kaugnay sa kanyang refundable check sa Antique-PhilHealth Office.

Matagal na raw nitong  nai-submit ang lahat ng mga requirement para makuha ang refundable check pero nag-due date na kamakailan, July 19, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin daw ipinadadala sa kanya.

Ano ba ang ginagawa ng mga kinauukulan ng PhilHealth sa mga opisina nito?

Bakit ba napakabagal na umusad ang mga kawani ng tanggapan na ‘yan? Naghihintay pa ba kayo ng ‘lagay’ para bumilis ang kilos n’yo?

Aba kayo ang mga natitira pang ‘anay’ na sumisira  sa gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino. Kayo ang dapat na mawala sa gobyernong Aquino dahil kayo ang ‘anay’ rito.

Basahin ninyo ang nilalaman ng sentimyento ng concerned citizen.

Gud pm, Sir Johnny. May reklamo ako sa Antique-PhilHealth. Kaugnay ito sa aking refundable check sa Philhealth Antique ng halagang 2,000 Pesos. Hanggang July 19 lang noong kamakalawa ang due date nito. Pero bakit ganun, hanggang ngayong nag-due date na ay hindi pa rin ipinadadala sa akin dito sa Aklan. Kumpleto naman ako sa hinihingi nilang requirements. Sa tulad naming pobre ay malaki na ang halagang P2,000.
Maraming salamat po!

3 MUSKETEERS NI GEN. REGIS  NG QC

Sino sina Col. Abalos, Art Rivera at alyas Clyde sa buhay ni QCPD Gen. George Regis?

Ang tatlong ito ay mahalaga sa buhay ni Gen. Regis dahil pag nawala ang tatlong ito kay heneral, patay ang ‘tabakuhan’ ni Gen. Regis.

Ang tatlong ito ang inaasahan ni Regis sa pangkabuhayan sa vices sa Q C.

Ang 3 musketeers na ito, lalo na si Col. Abalos, ang nagbibigay ng pangkabuhayan kay Gen. Regis.

Anomang reklamo o puna, i-text lang sa 0918927-4764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply