Mabuting pamamahala ang laban sa mga kawatan

NANINIWALA si Executive Sec. Paquito Ochoa na iaangat pang lalo ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagsusulong ng mabuting pamamahala at panlaban sa mga tiwali at mandarambong sa gobyerno.

Ayon kay Ochoa,  inilatag ni PNoy sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang mga kinakailangang gawin para sa pagkakaroon ng malinis na gobyerno.

Dahil binigyan ng diin ni PNoy, susulong lamang ang ating bansa kung magkakaroon ng malinis na gobyerno.

Naipakita naman niya sa mahigit na isang taon ng kanyang panunungkulan na tunay na hinahangad niya ang pagkakaroon nito.

Nais kasi ni PNoy na mabatid ang tunay na kahulugan ng pagseserbisyo sa publiko. Kaya raw hinihikayat tayo ni PNoy  na muling maniwala sa gobyerno, ani Ochoa.

Inihayag ni Ochoa na kung magkakaroon ng malinis na gobyerno at iiral ang mabuting pamamahala ay makakamit din ang mga kinakailangang repor-ma at pagbabago para sa bansa at mamamayan.

Binigyang-diin ng Little President na mayroong mga makabuluhang polisiya para sa pag-unlad na patuloy na nalulusutan ng mga tiwali at mandarambong.

Dinepensahan din ni Ochoa ang Pangulo sa hindi pagsasama sa SONA ng mga kontrobersiyal na isyu tulad ng RH Bill, Freedom of Information  Bill, Hacienda Luisita  at  mga proyektong idaraan sa Public-Private Partnership dahil may mga  pag-uusap pa rito.

BOOKIES PADER KAY MAYOR ALONTE

Sa Biñan, Laguna ay buong tapang ang operations ng bookies nina Ronel at Tata Bert. Untouchable ang bookies ng STL ng dalawa dahil sa may 5% na tongpats ang ‘aso’ ni Mayor Lenlen Alonte na si Engr. Edu. Maging si Laguna PD Supt. Gibert Cruz ay inutil sa pagsugpo rito.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply