Mag-asawa pinalaya ng kidnappers sa Sulu

INIULAT ngayon ng militar na pinalaya na ng mga kidnappers ang mag-asawa na dikukot ng mga kidnappers makaraan ang tatlong araw na pagkakabihag sa Sulu.

Batay sa ipinadalang ulat ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, spokesman ng Zamboanga City-Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command, ang mag-asawang Jose Batronel at Jocelyn ay ipinalaya nitong Sabado, Hulyo 16.

Ayon sa report ni Cabangabang, si Jose ay nakalaya dakong 7:45 ng gabi sa probinsya ng Jolo samantala ang asawa nitong si Jocelyn ay nakalaya ilan oras bago palayain ang kanyang bana (asawa) na isinugod sa Sulu provincial hospital dahil sa dehydration..

Sinabi ni Cabangbang na wala silang nakuhang impormasyon kung ang mag-asawang Batronel ay nagbayad ng ransom sa mga kidnapper o ang tinaguriang “board and lodging fee.”

Matatandaan na ang mag-asawa at ang kanilang helper ay dinukot ng ng anim na armadong kidnappers nitong nakaraang Hulyo 13 habang nasa loob ng kanilang bahay sa probinsya ng Jolo. Ang helper na nagawang makatakas sa kamay ng mga suspek nang makatalon sa ginamit na getaway vehicle. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply