Mag-asawang negosyante hinoldap ng kabataan

MULING nabiktima sa ikalawang pagkakataon ang mag-asawang negosyante nang holdapin ang mga ito ng walong kabataan na naka-motorsiklo habang papasok sa garahe ng kanilang bahay Miyerkules ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Lulan ng BMW (UNX-688) ang mag-asawang Arsenio,49, at Elsa Wei,49, nagba-buy and sell ng alahas sa Arranque at residente ng 3840 Biyaya St.,Bacood, Sta.Mesa, Maynila nang maganp ang insidente dakong 5:50 ng gabi.

Ayon sa mag-asawa, kasama nila ang dalawang anak na sina Ellaine, 23 at Ella Mae,12, nang lapitan ng mga holdaper na umano’y nag-aabang na sa kanilang pagdating.

Sa pahayag ni Arsenio, ang mga suspek ay pawang nasa edad na 18 hanggang 20 kung saan magkakaangkas sa tatlong motorsiklo.

Nakuha umano kay Elsa ang bag na naglalamn ng P17,000 at alahas na nagkakahalaga naman ng P50,000.

Noong Oktubre 23, 2010 nanag unang maholdap si Archie (Arsenio) at makuha ang P.4 milyon na puhunan niya sa negosyo.

Hinala niya ay isang grupo lamang ng holdaper ang kumana sa kanya dahil natatandaan umano niya ang mukha ng isang suspek.

“Itinapon ko yong bag ko sa likuran ng kotseng nakaparada pero nakita ko na may dumampot, nagmakaawa ako sa kanila na huwag galawin ang pamilya ko, pinahubad na lang sa akin yong mga alahas kong suot,”ayon naman kay Elsa.

Dahil sa komosyon, napansin naman ito ng ilang residente sa lugar na siyang sumigaw sa mga suspek kaya sa taranta ay nagpulasan ang mga ito at nawala na parang bula.
Samantala, iniimbestigahan na ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply