Mag-live-in pisak sa rumaragasang tren

HALOS mahati ang katawan at nadamay pa ang umano’y bata sa sinapupunan ng isang 19-anyos na babae habang malamang na maputulan ng paa ang kinakasama nito, matapos kapwa masagasaan ng rumaragasang tren sa Sta. Cruz, Maynila Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Kaycee Bautista, scavenger, buntis habang nasa malubhang kalagayan at pinangangambahang maputulan ng paa ang kinakasamang si Augusto Alonzo, 20; kapwa walang tiyak na tirahan sa lungsod.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Group kay Chief Insp. Reynaldo Nava, dakong 5:30 ng madaling araw nang maganap ang nasabing insidente sa riles sa may New Antipolo St., malapit sa panulukan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid sa report ng pulisya, mahimbing na natutulog ng mag-live-in sa gitna ng riles ng tren kaya’t hindi naririnig ng mga ito ang pitada ng busina ng tren, na galing sa Tutuban patungong Tagiug sa Bicutan.

Malapit na ang tren sa kanila ng mapabalikwas si Alonzo, subalit nadaanan ng gulong ang tiyan ng kanyang kinakasama.

Mabilis namang nakuha ng ilang nakasakay sa tren si Alonzo at agad na dinala ito sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply