Mag-utol na paslit patay sa paliligo sa dike

TODAS ang magkapatid na bata matapos malunod nang maligo sa isang dike sa Ilocos Norte, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Ayon sa report na ipinarating sa Camp Crame ng Ilocos Norte PNP, alas 8:00 ng umaga nang magkatuwaang mag-swimming ng dalawa sa dike na malapit sa kanilang tahanan sa  Brgy. Sta Rita, Paoay, Ilocos Norte.

Nakilala ang  mga biktima na sina Henelyn Joy Oamersa Galapia, 9, grade 4 pupil at ang kapatid nito na si Mark Anthony Oamersa Galapia, 7, isang grade 2 pupil.

Sa pagsisiyasat ay lumalabas na nagkayayaang maligo ang mga bata sa dike ng umaga ngunit hapon na ay hindi pa umuuwi ang magkapatid kaya nagpasya ang kanilang ama na hanapin na ang mga ito.

Laking gimbal ng tatay nang mamataan niya ang isa sa kanyang anak na lumulutang na sa tubig.

Agad na humingi ng saklolo sa kanyang mga kabarangay at hindi naglaon ay natagpuan din ang isa pang biktima na malapit lamang sa kinaroroonan ng unang bangkay.

Napag-alaman na solong ginagabayan ng ama ang kanyang mga anak dahil isang OFW ang kanyang asawa at kasalukuyang nasa abroad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply