Magat Dam nagpakawala ng tubig

NAGPAKAWALA ng tubig ang Magat Dam sa Isabela para makaiwas ito sa pag-apaw dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Juaning na nanalasa sa bansa.

Unang nagpakawala ng tubig mula sa gate four bandang alas 8:00 ng umaga at nagpalabas ng 172 cubic meters per second.

Bandang 9:28 Huwebes ng umaga nang pakawalan ang dalawang metro ng tubig sa pamamagitan ng pagbubukas ng gate four ng nasabing dam.

Nasa 188.78 metro na ang antas ng tubig sa dam kaninang ala-11:00 ng umaga.

Patuloy na mino-monitor ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang magiging epekto ng pagpapakawala ng tubig sa mga Bayan ng San Mateo, Cabatuan, Aurora, Burgos, Luna, Naguila, Gamu at Ilagan.

Samantala, ayon naman sa Hydrometeorology Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isinara na dakong alas 12:00 ng hatinggabi ang binuksang gate kahapon ng Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang water level nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply