Magdamagang trapik at kasiraan sa baha

DAPAT bigyan ng atensyon ng mga kinauukulan ang maraming pagbaha na labis na nakapipinsala sa mamamayan.

Sa Metro Manila lang, may mga lugar na labis na binabaha ngayon na hindi binabaha sa mga nakaraang panahon.

Matatagpuan ang ilan sa mga ito sa mga lungsod ng Quezon, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Manila,  Marikina at iba pa.

Gayundin na sa kaunting pag-ulan, marami nang lugar ang binabaha nang matagalan.

Natutulog pa ang baha sa magdamag.

Sa nakaraang mga araw, marami ang nakaranas na matulog sa mga daan dahil sa hindi paghupa ng mga baha.

Ayon sa mga matatanda sa lugar, ngayon pa lamang nagaganap ang lahat ng ito.

oOo

Hindi dapat na basta balewalain ang mga pangyayaring ito.

Hindi sapat ang rason ng mga kinauukulan na may nananadya na takpan ang mga imburnal upang kung bumaha ay marami ang titirik na sasakyan na ikinabubuhay ng mga istambay at walang magawa sa buhay.

Kung hindi naman ay sobra lang talaga ang mga ulan at wala nang magagawa kahit pa ang mga gumagawa ng milagro.

At lalong walang magagawa kung naghahalo na ang balat sa tinalupan gaya ng pagsasama ng baha at pagtaas ng tubig mula sa karagatan o hay tayd.

Hindi rin sapat na inguso ang pagtatapon ng basura kahit saan hanggang sa basura at hindi na tubig ang laman ng mga ilog, estero at iba pang daluyan ng tubig.

oOo

Lumalala ang problema sa baha at kakaibang mga baha ang nagaganap.

Dapat mag-isip ang mga kinauukulan kung paano tutugunan ito.

O ituturo na lang nila si Gloripie na may sala ng lahat?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply