Magkalaguyong pulis huli sa akto

NAAKTUHAN umano ng isang kagawad ng Philippine National Police ang kanyang ginang na isang  pulis habang kasama sa loob ng  motel ang isa ring police officer sa lalawigan ng Davao, sa ulat na nakarating sa Camp Crame nitong Sabado.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sinasabing posibleng maharap sa kasong adultery at posibleng  matanggal pa umano sa trabaho ang dalawang  pulis na pawang may asawa na kinilalang sina PO1 Revelyn Sansano Macanas, 24, at si P/Insp. Darwin Doque, 34, nakatalaga sa Mati, Davao Oriental PNP.

Sinasabing sinundan ni PO3 Oliver Macanas ng PNP Special Action Force (SAF) ang kanyang misis nang lumabas ito ng Camp Catitipan bandang  alas-10:00 Biyernes ng gabi, Hulyo 8, na may kasamang isang lalaki.

Tumuloy ang dalawa sa Quality Plaza Inn na nasa South Bay, R. Castillo, Agdao lungsod ng Davao kaya nagpasya ang mister na makipag-ugnayan sa Santa Ana PNP station.

Hindi na umano nag-aksaya ng panahon ang mga operatiba at ng kanilang pasukin ang Room 203 ay huli sa akto ang dalawa na kapwa walang damit.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Ana PNP ang dalawa habang inihahanda ang kaukulang kaso na posibleng ihain laban sa kanila. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply