Magkapatid na dalagita tinuhog ng kapitbahay

KULONG ang isang kelot matapos ireklamo ng panghahalay ng magkapatid na dalagitang kapitbahay sa Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si Francisco Seguia, 29, habang itinago naman ang mga biktima sa mga pangalang Jenny, 17, at Jane, 14.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon noong Hunyo 30, nag-text ang suspek kay Joan at sinabing samahan siya at may pupuntahan lamang.

Dahil tiwala ay nagpunta si Jane sa bahay ng suspek subalit doon ay hinalay ni Seguia ang dalagita.

Pag-uwi ay nagsumbong ang dalagita sa mga magulang hanggang sa malaman na maging si Jenny ay napagsamantalahan ng suspek.

Kapwa nagsampa ng reklamo ang mag-ate na naging dahilan upang damputin ang suspek sa kanilang bahay. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply