Magsasaka ng Luisita lumusob sa Malakanyang

NAG-RALLY sa Malakanyang ang ilang miyembro ng Anakbayan at mga manggagawa ng Hacienda Luisita upang iprotesta ang desisyon ng Korte Suprema na idaan sa referendum ang desisyon kung paano ipamamahagi ang lupa sa Hacienda.

Layon ng 50 raliyista na sumugod sa Palasyo na ibasura ang stock distribution option (SDO) at ipamahagi ang lupa sa mga benepisyaryong magsasaka.

Nabatid na nakalusot ang mga raliyista sa barikada ng mga pulis at nakalapit sa Gate 7 ng Malakanyang bitbit ang kanilang placards.

Pinilit pa nilang uga-ugain ang bakal ng gate pero bigo na rin silang makapasok dahil sa puntong iyon ay sinalubong na sila ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply