Magtiyuhing Arroyo pala-absent sa Kongreso

BATAY sa inilabas na ulat ni House of Representatives Secretary General Marilyn Yap ang dalawang magtiyuhin na Arroyo na sina Ang Galing Partylist Representative Mikey Arroyo at Negros Representative Iggy Arroyo ay kabilang sa mga mambabatas na hindi pumapasok sa sesyon ng Kongreso.

Ayon sa record ng Kamara, hindi dumalo ng 32 beses sa loob ng 70 session days sa Kamara si Rep. Mikey Arroyo. Samantalang si Congressman Iggy naman ay 27 nag-absent.

Naka-24 na beses naman umabsent si Cong. Manny Pacquiao ng Saranggani ayon pa rin sa official document ng Kongreso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply