Magulong-magulo na ang Pilipinas

WALA ba kayong napapansin, mga Bro? Magulong-magulo na ang mahal kong Pinas.

At kung hindi ka lang matatag, kung lider ka ng bansa, baka aatras ka na lang at lalayas.

Saka mo sasabihin, bahala na kayo sa buhay niyo, mga *%@#*!

ALINGASAW SA PCSO

Umaalingasaw na ang PCSO, inuuod pa.

Yan ay kung pakikinggan mo ang mga may kiling sa pulitika na laban sa nakaraang administrasyon ni Aling Gloria.

At kung pakikinggan mo rin ang kumikiling sa nakaraang administrasyon at laban naman sa gobyerno ni Pangulong Noynoy.

Ang nakasama sa kontrobersiya ay ang pagsasangkot sa mga Obispong Katoliko at mga pulis. Parehong pinagrarasyunan ng grasya mula sa PCSO ang mga santo at parak.

Habang tumatagal, hindi lang alingasaw ang lumalabas dito sa PCSO kundi kaguluhan.

Akalain mo, hindi lang ang mga taga-PCSO at pulitiko ang makukulong dito kundi pati ang mga Obispo, Heneral ng pulisya at iba pang napagbibigyan ng biyaya sa Saudi Arabia mula sa ligal na sugal.

PAGHAHALO NG BALAT SA TINALUPAN

Anak ng mga putakte, naghahalo na talaga ang balat sa tinalupan sa PCSO lalo na kung iuugnay mo ito sa pulitika.

Sa pagkalkal ng iba sa mga ipinamamahaging ambulansiya sa mga kongresman, gobernador at mayor, lumalabas palang sangkatutak na kapartido ni PNoy ang nakinabang din dito at hindi lang ang mga malalapit lang kay Aling Gloria.

May paboritismo pa. May tig-isa lang, may santambak ang iba.

Pero itong paglilipat-lipat o pagpapalit-palit ng partido sa halalan ang nakaloloko. Sa dami ng mga nagsilipatan ng partido bago, kasalukuyan at makaraan ang halalan, malilito ka na sa kung ano at kanino talaga ang matuwid na daan.

Dahil hindi lang ambulansiya ang pinagkokorap kundi ang mga medisina at bayad sa mga ospital.

May kamay ang mga pulitiko sa pagkakalubog sa utang sa mga ospital ang PCSO. At may pagkasaid ng mga ambulansiya dahil din sa mga pulitiko.

Pag pinalalim pa ng husto ang imbestigasyon sa PCSO, baka lalabas na wala palang matuwid na daan.

Pustahan pa tayo.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply