Mahilig talaga sa bagets!: Sikat na singer-actress at non-showbiz hunk nag-check in sa isang class na resort

NAALIW naman kami sa blind item ng dalawang pamosong broadcaster tungkol sa sikat na singer-actress na nagcheck-in sa isang class na resort somewhere in Cebu kasama ang non-showbiz hunk. Super expensive raw ang rate per night sa resort na ‘yun na naglalaro sa more than P30,000 a day. Pero relax lang naman daw ang biyuti at sexy.

Diva dahil may asucarero de fafah naman ito na nagbibigay sa kanya ng milyones. Uy, balik tayo doon sa kasamang hunk ni said Diva. Very guwapo raw ito, matangkad at ang lakas-lakas ng sex appeal. At para hindi naman daw masyadong ma-expose ang beauty ni singer-actress, hayun once lang daw itong lumabas ng kanilang room at naka-kontodo shades pa.

Eh, anong ginawa ng dalawa sa kanilang room? Churvahan siyempre ang mga ito buong magdamag. Basta! Ang tanging maiibigay lang naming clue kay singer-actress ay noon pa mahilig na talaga siya sa bagets na boyfriend. Separada na rin ang Diva nating ito sa sikat na ballader. Siya, na gyud! Get’s nyo?

***

Mataas pa rin ang rating

NAGLALARO sa 22% to 23% araw-araw ang rating ng “Eat Bulaga” sa Mega Manila at tuwing Sabado naman umaabot ng 27% to 29% ang naitatalang rating nito. Isa lang ang ibig sabihin nito, kahit 32 years na sa ere ang Bulaga in terms of ratings ay hindi pa rin sila natitinag. Meaning, hindi pa rin sila binibitawan o iniiwan ng milyun-milyon nilang viewers na walang sawang nag-e-enjoy sa panonood sa kanila sa bahay at laging inaabangan ang iba’t ibang pakulo nila tulad ng PNV o Pambato ng Videoke sa Juan For All, All For Juan sugod-bahay sa Barangay, na araw-araw ay sangkatutak na blessings ang ibinibigay sa residenteng nabunot ni Bossing Vic Sotto ang pangalan, Hakot All You Can, Kaw Na Da Best Ka!, Ano Eato, Pinoy Henyo, ang pambansang laro ng bayan.

Mapapanood ang Eat Bulaga Lunes hanggang Sabado sa ganap na alas-dose ng tanghali sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply