Mahinang pagyanig tumama sa Ilocos provinces

NAKARANAS ng bahagyang pagyanig na may intensity 3 ang Vigan City sa Ilocos Sur habang nakaramdam naman ng intensity 2 sa Laoag City at Pasuquin,  Ilocos Norte at Santa, Ilocos Sur.

Ayon sa Philvocs sa Pasuguin, Ilocos Norte dakong alas 6:58 kaninang umaga, Hulyo 7, nang maramdaman ang pagyanig na tectonic ang origin.

Nabatid na ang naturang pagyanig ay may lalim na 48 kilometers.

Hindi naman ito gaanong napansin o naramdaman ng ilan pang bayan sa Ilocos Norte at wala ring naiulat na nasugatan at nasirang ari-arian sa pagyanig. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply