Make up classes iniutos ng DepEd

INATASAN ng Department of Education (DepEd) ang mga local school officials at principals na magdaos ng make up classes simula ngayong Sabado, Hulyo 30, para mapunan ang dalawang araw na pagkakasuspinde ng klase sa pananaalasa ng  bagyong Juaning.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Alberto Muyot na dapat umanong mapunan ang mga oras na nawala sa mga estudyante partikular ang mga nasa kindergarten, elementary at high school sa National Capital Region (NCR), Southern Tagalog, Bicol Region at Central Luzon.

“School principals, in coordination with local school officials, may decide to hold classes on Saturdays to make up for days when classes were suspended because of the typhoon,” ani Muyot.

Sinabi pa ni Usec Muyot na ang kaparehong panuntunan ay una rin ipinatupad ng DepEd noong mga nakalipas na mga taon upang makumpleto ang itinatakdang araw ng pasukan ng mga bata sa paaralan.

Base sa school calendar year, ang mga estudyante sa pampublikong paaralan sa elementarya at high school ay may kabuuang 204 school days, kabilang dito 180 days para sa academic astivities at 24 na araw para sa extra-curricular activities. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply