Makeup classes sa mga estudyante – DepEd
NAGPALABAS ng memorandum ang pamunuan ng Department of Education na nagsasabing dapat magkaroon ng makeup classes ang mga eskuwelahan na apektado ng suspensiyon ng klase dahil sa bagyo o baha.
Niliwanag ng Communication Unit ng DepEd na karapatan ng mga school principals na magpatawag ng makeup classes kung kinakailangan. Base sa school calendar ngayon taon, kailangan 204 na araw nasa paaralan ang bata. Kabilang dito ang 180 araw na tinuturuan sa loob ng classroom at 24 na araw para sa kanilang mga extra-curricular activities.
“School principals, in coordination with local school officials, may decide to hold classes on Saturdays to make up for days when classes were suspended because of the typhoon,” ayon sa DepEd Communications Unit
Ang naturang usapin ay bunsod ng pagsuspinde ng mga klase sa pre-school, elementary at highschool noong Martes at Miyerkules dahil sa bagyong Juaning.
You must be logged in to post a comment Login