Makinig ka Marian: ‘Honestly, wala akong paki sa kanya (Marian)’– Sam Pinto

MUKHANG iinit na naman ang tensyon sa pagitan nina Sam Pinto at Marianne Rivera. Sa isang interview, aminado si Sam na hindi sila in good terms ng kontrobersiyal na GF ni Dingdong Dantes at poor second lang sa FHM na si Marian.

“Well, ‘yun nga, after the Dingdong issue, hindi na niya ako pinapansin,” sey niya.

Kapag nagkikita raw sila ni Marian sa “Party Pilipinas” ay hindi siya pinapansin nito. “I tried to smile pero she looks away na. I guess, ayaw mo, sige. You don’t really control me.”

”Honestly, wala talaga akong paki sa kanya! She’s doing her own thing and I’m doing my own thing. That’s about it. Why would I base anything around her? Why would my world revolve around her?”

-oOo-

FEELING nasa cloud 9 si Ms. Claire dela Fuentes, manager ni Sam Pinto sa pagiging number one ng kanyang alaga sa FHM’s 100 Sexiest Women in the World. Kinabog niya sina Marian Rivera, Angel Locsin, Cristine Reyes, Katrina Halili  with 6.9 million votes as to the next contender with 3 million votes.

Tinanong namin kung ano ang reaksyon niya na hindi lahat ay naniniwala sa pagiging number one nito sa FHM dahil tinalo niya ang mga sikat gaya nina Angel at Marian.

“Marami namang school of talks dun, e! Bakit sila nagsasalita ng ganun, di ba? Puwedeng meron silang sariling bet kaya hindi sila naniniwala. Puwede ko namang sabihin ‘yun na hindi rin totoo halimbawa may isang nanalo na hindi ko bet. But the numbers are there…basta kami we know that we cannot please everyone, so, okey lang sa amin ‘yun. Talagang ganun.

That’s life, di ba?,” sey niya nang makatsikahan namin siya sa bago niyang resto na Asian Noodles sa Macapagal Ave.

Ano’ng masasabi niya na kaya natalbugan sina Angel at Marian ni Sam dahil sumuporta raw ang Viva at saka siya bilang manager?

“I’m sure ‘yung mga sponsors nila at mga managers nila at mga fans ay sumusuporta rin. Sino pa ba ang susuporta kundi tayo naman ang susuporta, pati mga magulang niya, mga  kapatid, mga kamag-anak, lahat naman ‘yan talagang susuporta at hindi rin titigil hangga’t masisiguro nila na mananalo talaga ‘yung bet nila. Ganun naman talaga ‘yun. The mere fact na umakyat siya sa No. 4 at nagulat kami tapos nag-number 3 siya hanaggang mag-number one, e talagang may sinasabi ang figures.

“Meaning to say, if she was able to land on top  and there’s really a..parang  awareness kay Sam Pinto, di ba? Kasi, kung wala, hindi puwedeng umakyat nang ganun lang ‘yun.

“First and foremost, pag milyon na ang boto, mga fans na talaga ang bumuboto dun. May mga first time kong name-meet talaga na sinasabing binoboto talaga nila si Sam. At saka ‘yung pagiging endorser niya, isa ring proof din ‘yun na meron talagang clamour, di ba? Two years na rin siyang nandiyan, e, meron talagang ganung awareness, e!”

Dahil number one si Sam sa FHM, papayag na rin ba siyang tumanggap ng sexy roles para sa alaga niya?

“Actually, sabi nila, binago raw niya ‘yung connotation ng isang sexy, e! Maski na doon sa mismong magazine, nakalagay talaga roon, ngayon daw tayo, ang ibig sabihin ng sexy sa atin, knows no bounds na. Hindi raw dati na boobsie, flesh ganun. Wala na raw ganoon. Ang sexy ngayon ay natural beauty.”

So natural beauty talaga si Sam?

“Eh, kasi ang sinasabi nilang natural beauty kasi, ang boobs niya ay hindi sobrang laki. Hindi naman siya voluptuous talaga, pero ‘yung sexiness niya comes from a perfect face, perfect figure. Nandoon lang sa natural, e!”

Ano ang next career plan kay Sam pagkatapos ng pagiging number one sa FHM?

“Meron siyang movie with Cesar Montano and Aljur Abrenica entitled ‘Hitman’. Tapos ginagawa niya ngayon ‘yung ‘Tweenhearts Academy.’ Siya ‘yung crush ng mga kabataan dun. Teacher kasi siya dun. And then, we’re trying to look ng magandang role sa kanya para sa isang teleserye at saka may mga bago siyang commercials na hindi ko lang puwedeng sabihin,” aniya pa.

Bukod kay Sam, alaga rin ni Ms. Claire sina Bela Padilla, Meg Imperial, Yam Concepcion at ang anak niyang papasok na rin sa showbiz na si Derex dela Fuente. Makakasama rin si Ms. Claire sa bagong singing talent search show ng GMA 7 na “The Protege.”

-0o0-

DUMATING na ang Viva Recording Artist na si Joel Mendoza galing sa show sa San Diego para asikasuhin ang promo ng kanyang album  na may carrier single na Pakinggan Mo Ako. Siya ang protégée ng sikat na kompositor na si Vehnee Saturno.

Galing sa sakit at aksidente si Joel pero sabi ni Kuya Vehnee, binuhay pa siya ng Diyos para ibahagi ang kanyang musika at magpasaya ng mga tao.

“’Yung darkest night of my life, gusto kong i-share sa kanila sa pamamagitan ng aking mga kanta. At ‘yung edad ko, hindi naman ako kasing-bata ng mga singers dito pero nandiyan ‘yung song. Ang message ko sa mga kanta ko, dapat maging honest sila at i-enjoy ang life everyday dahil hindi mo alam kung kailan mo huling mayayakap ang mga taong mahal mo. Hindi mo alam kung gigising ka pa. Na-realize ko na kahit marami kang pera, hindi mo talaga madadala. Dapat ay gawin mo ‘yung gusto mong gawin. Huwag mong intindihin ‘yung sasabihin ng ibang tao,” deklara niya.

Ngayong Linggo ay magsisimula na ang kanyang mall tour with the Cercados Sisters, July 10 sa SM Valenzuela, July 15 sa SM Sta. Rosa, July 22-SM Dasmariñas, July 31- SM San Fernando, Aug.6- SM Rosario.

Sa Lunes naman ay guest siya sa WOW FM 103. 5 between 12 to 1 PM.!

Bonggacious!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply