Malakanyang ‘di makikisawsaw sa imbestigasyon ng Senado sa PCSO

AYAW makisawsaw ng Malakanyang sa pagdinig ng Senado kaugnay sa legalidad ng donasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga obispo lalo na ang pamimigay ng SUVs.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na bahala na ang PCSO sa kung sa kanilang susunod na hakbang matapos ang paggisa sa kanila ng mga senador sa pangunguna ng Senate Blue Ribbon Committee.

“The investigation was started by the senate. we defer to pcso on its next course of action in light of the developments in today’s Senate hearing,” anito.

Bahala na rin aniya ang PCSO  kung tatanggapin o hindi ang mga ibabalik na SUVs ng mga obispong nakatanggap nito sa ilalim ng Arroyo government.

“We reserve comment and defer to pcso on the matter of whether or not it will accept the vehicles returned,” anito.

Patuloy ang ginawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa mga donasyon ng PCSO na SUVs sa ilang Obispo.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, nais lamang malaman ng Senado kung ang nasabing donasyon ng PCSO ay napunta sa charity work at hindi para sa personal na pangangailangan ng mga Obispo.

Magugunita na kabilang sa tumanggap ng SUV mula sa PCSO ay si Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos na sumulat noon kay Pangulong Arroyo na humihingi ng sasakyan bilang birthday gift sa obispo.

Siniguro ni Drilon na ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa ilang Obispo ay hindi para hiyain ang Simbahang Katoliko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply