Malakanyang dismayado sa pang-iisnab ni GMA sa SONA

NANGHIHINAYANG ang Malakanyang sa napipintong pang-iisnab ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Lunes, Hulyo 25, 2011.

Tiniyak ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas na accomplishment ni Pangulong Aquino at  hindi naman puro pagkastigo sa administrasyong Arroyo ang ilalahad ng Chief Executive.

Nauna nang sinabi ni Atty. Raul Lambino na papayuhan nito ang kanyang kliyente na huwag nang dumalo ng SONA dahi iinsultuhin at kukutyain lamang siya ni Aquino.

Sinabi ni Llamas, ire-report din nito ang mga naitanim na binhi bagama’t hindi pa naaani ang bunga.

Kung hindi rin umano guilty, dapat harapin ni GMA at pakinggan ang mga akusasyon.

Hindi umano maiiwasang banggitin si GMA sa SONA dahil napakaraming problema at kaso ng katiwaliang iniwan nito sa siyam na taong panunungkulan.

Subalit hindi ito nangangahulugang ito na ang focus kundi ilalahad din ang mga nagawang reporma at saang direksyong tutungo ang bansa.

“Kung ‘di siya guilty, dapat harapin niya, pakinggan niya akusasyon,” diing pahayag ni Llamas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply