Malakanyang oks sa check up ni Zaldy

SUPORTADO ng Malakanyang ang pagpayag ng korte na magpa-check-up sa ospital si Zaldy Ampatuan, isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre ngunit tikom ang bibig sa rekomendasyon na manatili ito sa ospital.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, labas na ang executive branch sa desisyon at desisyon iyon ng trial judge.

Kanina ay sumailalim sa medical check-up sa Philippine Heart Center si Ampatuan, bagay na kinukuwestiyon ng ilang sektor.

Aniya,  ipaparating na lamang nila sa prosekusyon ang concern na dapat doktor na lamang ang bibisita kay Zaldy Ampatuan sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Nang matanong pa kung sa tingin nito ay hindi special treatment ang desisyon ng korte, iginiit ni Lacierda na wala sila sa posisyon para husgahan ang hakbang ng hukom.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply