Malaking oportunidad para OFWs nakaabang sa Europa

MALAKING oportunidad ang naghihintay sa bansang Europa para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagnanaisa na magtarabaho bilang domestic helper.

Kasabay nito ay hinikayat ni Rep. Mangtanggol Gunigundo II an mga Pinoy domestic helper na targetin ang Europa sa kanilang pag-aaply ng trabaho matapos umugong ang balitang iba-ban na ang mga OFW sa Saudi dahil sa tinatawag na Saudization Policy.

Ayon sa kongresista, higit na mas malaki ang sahod sa Europa kaysa sa natatanggap nila sa Saudi at maaaring umabot sa mahigit P73,000 kada buwan.

Bukod pa rito, may batas ang Europa na gumagalang sa mga OFW hindi katulad sa Saudi na kadalasan ay minamaltrato ang mga manggagawa ng kanilang mga employer.

Samantala, hindi naman naniniwala ang POEA na maipatutupad ang Saudization dahil mahigit 300,000 ang mawawalan ng trabaho sa Saudi sa oras na mangayari ito.

Kamakailan lamang nagpahayag din ang pamahalaang Bahrain ng interes sa pagkuha ng mga Filipino medical workers.

Ayon kay Philippine Ambassador to Bahrain Corazon Yap Bahjin, nangangailangan ng medical staff ang American Mission Hospital, King Hamad Hospital at Royal Hospital.

Nilinaw naman ni Bahjin na bagama’t inalis na ang travel ban sa Bahrain ay inaasahan ang non-essential travel doon.

Dahil dito, hindi na dapat mangamba ang OFWs bunga ng mga oportinidad na naghihintay sa dalwang bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply